Thursday, May 5, 2011
ANG PROPETA, Katha ni KAHLIL GIBRAN. Isinalin sa Filipino ni JOVEN R. SAN PEDRO
Mula sa Paunang Salita. Una kong nabasa ang “The Prophet” maraming taon na ang nakalilipas. Natatandaan kong kaagad akong humanga sa kagandahan ng mga mensahe ni Kahlil Gibran at sa lalim ng kanyang pagkaunawa sa buhay. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, gumitaw sa aking isip ang larawan ng isang batang nasa kandungan ng kanyang lolo na masayang nagkukuwento ng kanyang mga karanasan at natutunan tungkol sa buhay. Hindi ko na nakagisnan ang aking mga lolo at lola. Hindi ko naranasan ang makalong at makapakinig sa kanilang mga kuwento at pangaral. Marahil dito nagmula ang aking hangad na pangahasang isa-Pilipino ang obra maestra ni Kahlil Gibran.